Balitang idadagdag na ng Kagawaran ng Edukasyon (DEPED) ang sex education sa basic education curriculum kabilang ang na ang kinder at elementarya simula ngayong pasukan. Isasama ito sa araling Music, Arts, Physical Education at Health (MAPEH). Ito raw ay makatutulong upang ang maimulat ang isip ng mga kabataan sa pugsugpo ng lumalalang problema sa populasyon, upang maging mga responsableng magulang, at ang mga maaring idulot ng pakikipagtalik. Diumano'y mas mainam na ito kaysa kung saan saan lamang matutunan ang mga bagay na ito gaya ng internet.
Ano kaya ang masasabi ng simbahan sa usaping ito? Matatandaang nating minsan nang tinutulan ng simbahan ang isinulong ng Department of Health (DOH) ang pag-gamit ng mga kontraseptibo upang masugpo ang paglago ng populasyon at paglaganap ng sakit sa ating sa ating bansa.Ako po ay isang sagradong katoliko ngunit sa usaping kontraseptibo ay sang ayon ako sa DOH. Bakit? Di naman lingid sa atin ang pagdami ng mga batang lansangan na makikita mong nasasangkot sa pagnanakaw dahil sa kahirapan, ginagamit ng mga magulang upang mamalimos, nanguumit at kung minsa'y makikita mo pang sumisinghot ng solvent. Di lang yan idagdag pa natin ang paglaganap ng sakit na nakukuha sa unsafe sex.
Ngunit sa usaping sex education di pa ba sapat ang itinuturo sa mga nasa ikalimang baitang sa araling agham patungkol sa ating reproductive system? kailangan pa nga bang palawigin ito ay ituro sa mga murang isipan ng musmos pa lamang? Nakakasiguro ba tayo na may sapat na kaalaman ang guro na tatalakay dito at hindi ang mga sariling opinion lamang ang marinig sa kanila ng mga mag-aaral dahilan upang lalong mabuhay ang kanilang kuryosidad patungkol sa sex? Hindi ba dapat ang usaping ito ay para lamang sa mga batang ang edad ay may kakayanan nang makabuntis at mabuntis? Bakit hindi na lamang ipaubaya sa mga magulang ang pagtalakay nito, di ba't ang mga magulang ang mas nakakaalam kung ano ang nakabubuti para sa kanilang mga anak? Bakit kailangang imulat dito ang mga bata pati na ang mga nasa kinder pa lamang? Ito po ay mga pansariling kong opinyon lamang... kayo ba ay sang ayon na maituro na ito sa mga bata sa kanilang paaralan?
kailangan pong maituro ang sex education sa mga minor di edad sa mga kabataab,dahil sa mga kadahilanang magiging bukas ang kanilang isipan sa mga bagay bagay, mabibigyan sila ng sapat na seduridad sa kanilang mga sarili. laging tatandaan values lang ho ang kinakailangan upang makontrol ang population dito sa bansa.
ReplyDelete