Thursday, June 3, 2010

MAY AASAHAN BA TAYONG PAGBABAGO?

 Di pa man opisyal na naihahayag, nasa 90 porsyento na ng bilang ng boto ng pinoy ang pabor kay Sen. Noynoy bilang Pangulo ng Pilipinas. Ilan na rin sa kanyang mga katunggali ang umatras upang bigyan siya ng daan. Ayon kay Manong Johnny, maaring opisyal na itong ihayag sa pagitan ng Hunyo 4 hanggang 15  pero sabi nga nila e virtually confirmed na ito mula pa noong Mayo 11 sa tulong ng "automated election". Maliwanag na sa Hunyo 30, sa pagbaba ng kasalukuyang pangulo ay may bago na naman na mamumuno ng ating bansa.
 Ngunit may aasahan kaya tayong pagbabago sa ating bansa ngayon na may bago nang manunugkulan sa pinakamataas na posisyon ng gobyerno? Sana nga!!!! marahil sambit ng halos ng nakakaraming pinoy.  Mula pa noon ay marami na ang umaasa ng pagbabago, umaasang makakaahon sa kahirapan ang masa, umaasang ang mga mauupo sa puwesto sa gobyerno ay may malasakit sa bansa at sa kapwa. Sana matapos na maiproklama ang mga nanalo sa nagdaang halalan ay magkaisa't magkasundo ang lahat ng pulitko anuman ang partido nila upang malabanan ang corruption sa ating bansa na isang malaking sanhi ng kahirapan. nawa'y maibigay sa tao ang dapat ay kanilang benepisyo mula sa gobyerno. bawat proyekto nawa ng mga bagong halal na manunungkulan sa ating bansa ay pabor sa ating mga mahihirap at hindi sa mga pansariling interes lamang. nawa'y masolusyunan ang lumalalang krisis at patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Di nga ba't lahat sila'y ay nangakong gagawa ng paraan upang mabigyan ng disenteng hanapbuhay ang bawat pilipino. Hindi ba't kay ganda kung lahat ay may trabaho, maaring mabawasan ang lumalalang krimen dahil sa kagutuman at makakaiwas ang mga lulong sa droga kung sila ay may pagkakaabalahan na at ang bawat matatanda ay makatanggap ng sapat na benepisyo mula sa pamahalaan. Sana nga!, sana nga! makaasa tayo ng malaking pagbabago sa ating bansa.

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails